Celebrity Life

Joel Cruz, ibinahagi ang kanyang wish para sa mga anak

By Maine Aquino
Published November 7, 2017 10:33 AM PHT
Updated November 7, 2017 10:44 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LTO summons pick-up driver who ran over, killed girl in Ilocos Sur
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Buo ang suporta ni Joel sa kung ano mang gustong tahakin na career ng kanyang anim na mga anak.  Pero may isang hiling si Joel para sa mga ito. Ano kaya ito?

Bukod sa ilang katangian ng mga kambal ni Joel Cruz ay pinag usapan rin nila sa Sarap Diva ang mga wish ng "Lord of Scents" para sa kanyang mga anak.

Buo umano ang suporta ni Joel sa kung ano mang gustong tahakin na career ng kanyang anim na mga anak. Siya ang tumatayong ama ng tatlong twins na sina Prince Sean and Princess Synne, Prince Harry and Prince Harvey, at sina Prince Charles and Princess Charlotte.

"I'm 52 years old and medyo malaki na rin 'yung company ko. Sana kung may susunod silang, pumalit sa akin, mas okay 'yun na maging presidente o CEO ng company, that's good. If not, whatever naman 'yung choice nila sa career nila I will respect that as long as mayroon silang talent talaga, susuportahan ko sila."

Ngunit dahil may perfume empire si Joel, wish niya talagang may magmana sa kanyang mga anak ng kanyang negosyo.

 

Sarap Diva Teaser: Samahan natin si Asia's Songbird & Cooking Diva Regine Velasquez-Alcasid at kilalanin ang dalawang bagong cute babies ni Lord of Scents Joel Cruz, na sina Prince Charles and Princess Charlotte sa Sabado! #KontraDivasonSarapDiva SARAP DIVA | Saturdays, 10:30am | GMA Network

A post shared by SarapDiva (@sarapdiva) on

 

"Basically gusto ko talaga is business, meron sanang corporate lawyer din."

Dagdag pa niya, "'Yung business ko kasi ako lang 'yung 1st generation, gusto ko sana sila na 'yung second generation. At kung kaya pa nilang mapalaki, mas malaki sa ginawa ko, mas maganda, sana makapagtulong-tulong sila."

Ang hiling ni Joel sa mga anak ay manahin sana ang katangian mula sa kanilang pamilya. Saad ni Joel, nais niyang lumaki ang mga bata na may takot sa Diyos.

"Overall I wish sana 'yung God-fearing talaga sila kasi medyo conservative yung family din namin na kinalakihan ko. I hope ganon din sa kanila. Isa rin sa ipinagdasal ko dati na pag magkaroon ako ng anak is makatulong din sila sa mga ginagawa kong charity."