
Aminado ang aktor na si Joem Bascon na kinabahan siya nang pumasok si Kylie Padilla sa hit GMA Prime series na Asawa Ng Asawa Ko.
Isang taon na ring magkakasama sa show sina Joem, Jasmine Curtis-Smith, Rayver Cruz, at Liezel Lopez bago pumasok si Kylie, na gaganap bilang si Hannah, ang ex-wife ni Leon na karakter ni Joem.
"Kinabahan ako nung una, lumabas na 'yung isa pa sa mga manggugulo sa buhay nina Jordan, and Cristy. Kinabahan siyempre, one year halos na kami magkakasama nina Jasmine, noong pumasok siya. Siyempre nagkaroon ng change doon sa dynamics ng each character," saad ni Joem nang bumisita ang GMANetwork.com at ibang entertainment press sa set ng Asawa Ng Asawa Ko noong July 15.
"Nag-adjust kami lahat halos kung paano namin aatakihin, siyempre ganun naman ang teleserye, hindi naman siya straightforward na pwede mong gawin 'yung character arc na gagawin mo. Sometimes, it changes talaga depending on the character's story.
"Kinabahan kami at first, siyempre, e, mahusay na aktres 'yung papasok, e, pero honored na makakasama namin siya sa teleserye namin. Happy kami na maibibigay niya 'yung talento niya sa amin."
Abangan si Kylie Padilla bilang si Hannah mamaya sa Asawa Ng Asawa Ko, 9:35 p.m. sa GMA Prime, Pinoy Hits, at Kapuso Stream. Mayroon din itong delayed telecast sa GTV tuwing 11:30 p.m.