GMA Logo Joem Bascon in Asawa Ng Asawa Ko
What's on TV

Joem Bascon, pinuno ng KALASAG sa 'Asawa Ng Asawa Ko'

By Aaron Brennt Eusebio
Published January 16, 2024 5:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Boy, 12, killed in firecracker blast in Tondo, Manila on Sunday night
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

Joem Bascon in Asawa Ng Asawa Ko


Ano kaya ang pinaglalaban ng grupong KALASAG na pinangungunahan ng karakter ni Joem Bascon na si Leon?

Mapapanood na ang batikang aktor na si Joem Bascon sa ikalawang episode ng GMA Prime series na Asawa Ng Asawa Ko kung saan gagampanan niya si Leon, ang pinuno ng rebeldeng grupong KALASAG.

Aminado si Joem na may pagkakahalintulad ito sa mga dati niyang karakter pero hindi kasamaan ang ipinaglalaban ng grupo niyang KALASAG, o ang Kapatiran Laban sa mga Abusado't Ganid.

"At the end of the day kasi, lagi kong sinasabi sa sarili ko, wala kasing taong masama. May kanya-kanya tayong pinaglalaban sa buhay," saad ni Joem.

"Siguro, masama tingin sa atin doon sa nakaka-argue natin, pero sa paniniwala ko, lahat para sa akin, parang out of love ang lahat ng 'yon, para sa pagmamahal siya.

"Siguro 'yung mga roles, nale-label lang siya [na] kontrabida siya, bida siya, pero at the end of the day, they're just two people na pinaglalaban nila 'yung opinyon nila, 'yung pinaniniwalaan nila."

Sa Asawa Ng Asawa Ko, pinaglalaban ng KALASAG ang mga nang-aapi sa kanilang mga kasamahan sa bundok.

"One is para maibalik namin ang mga ninakaw sa mga kababayan namin. As a rebelde, para kaming modern-day Robin Hood, kaaway namin 'yung mga kurakot, 'yung mga abusado. Pinaglalaban niya 'yung kapatiran niya, 'yung anak niya, 'yung pamilya, 'yung kasamaan niya sa KALASAG," paliwanag ni Joem.

Kahit na kontrabida man sa tingin ng iba ang kanyang karakter, sinisigurado ni Joem na maiintindihan rin nila kinalaunan kung saan nanggagaling si Leon.

"Ayaw namin 'yung sumisigaw na kontrabida, ayaw namin 'yung typical na talagang masama lang siyang tao. Gusto namin siya lagyan ng puso, 'yun nga wala naman taong masama.

"Siguro sobrang mahal na mahal niya lang si Cristy kaya siguro 'yung paniniwala niya, 'yung mga gagawin niyang bagay, lumalabas sa ibang tao na masama siya."

Bukod kay Joem, miyembro din ng KALASAG ang mga karakter nina Kim De Leon, Luis Hontiveros, Patricia Coma, Bruce Roeland, Jeniffer Maravilla, Billie Hakenson, at Mariz Ricketts.

Panoorin ang Asawa Ng Asawa Ko, Lunes hanggang Huwebes, 9:35 P.M. sa GMA Prime. Mapapanood rin ito sa Pinoy Hits at Kapuso Stream.