
Ano raw ang kahulugan ng "RICHARD" ayon sa Henyo Master na si Joey de Leon?
By CATHY DOÑA
Kasalukuyang nasa Iceland and Henyo Master na si Joey de Leon para magbakasyon ngunit hindi niya nakalimutang batiin si Alden Richards sa kanyang kaarawan.
Nag-tweet si Joey at tinawag na "mabait, masipag at mapagmahal" si Alden.
Sa isang mabait, masipag, mapagmahal sa mag-anak, mapagbigay at maka-Diyos na Richard...Mabuhay ka! #ALDUBHappyBAEdayALDEN @EatBulaga
— Joey de Leon (@AngPoetNyo) January 2, 2016
Alam din daw ng Pambansang Bae ang kahalagahan ng sipag at sakripisyo.
Dabarkads Richard F.---Alam ang kahalagahan ng Sipag at Sakripisyo. Maligayang kaarawan!@aldenrichards02 #ALDUBHappyBAEdayALDEN @EatBulaga
— Joey de Leon (@AngPoetNyo) January 2, 2016
Binigyan pa nga nito ng kahulugan ang kanyang tunay na pangalan.
RICH in moral excellence and HARDworking---that's RICHARD! We're happy it's your birthday! #ALDUBHappyBAEdayALDEN @aldenrichards02
— Joey de Leon (@AngPoetNyo) January 2, 2016
At kahit malapit na siya sa North pole ay hindi raw niya makakalimutan na batiin ang binata.
Kahit saan ako nasa isip ko ang kaarawan mo! Happy Birthday nanginginig pa! #ALDUBHappyBAEdayALDEN @aldenrichards02 pic.twitter.com/0T2Ewnklcy
— Joey de Leon (@AngPoetNyo) January 2, 2016