
Muling pinatunayan ng longtime Eat Bulaga host na si Joey De Leon na isa siyang henyo.
Sa kanyang Instagram account, may nakakabilib ngunit nakakaaliw na trivia si Joey tungkol sa kanyang co-host na si Maine Mendoza.
"Nicomaine Dei Capili Mendoza. Alam niyo ba na 'yan ang buong pangalan ni Menggay? Nicomaine Dei Capili Mendoza," paliwanag ni Joey sa video.
"At alam niyo ba... na gamit 'yung mga letters nung pangalan niya, buong pangalan, dalawang beses niyo ma-i-spell out 'yung word na 'comedian?'
"Subukan niyo."
Hindi pa doon natatapos ang pagbibigay kaalaman ni Joey dahil sa sumunod niyang post sa Instagram ay may napagtugma na naman siya sa bilang ng letra sa buong pangalan ni Maine.
Aniya, "Now we know that Menggay's full name (Nicomaine Dei Capili Mendoza) carries the word COMEDIAN twice! Eto matindi, in the remaining 9 letters, you'd come up with, 'I A Zipline' ... to denote length, smoothness, playfulness, etc."
"And wait, there's more -- the total letters in her full name is 25..2 and 5 are the only kneeling number which denotes HUMILITY and being PRAYERFUL."
Natuwa naman si Maine sa trivia ni Joey dahil pati siya ay may natutunan sa kanyang pangalan.
Komento ni Maine, "Henyo Master talaga Boss Joey!"
Samantala, alamin ang full names ng iba pang celebrities dito: