
Si Henyo Master Joey de Leon ang special guest bluffer sa Celebrity Bluff ngayong Sabado, September 12!
Sina Joey at ang komedyanteng si Gladys Guverra ang makakasama nina Eugene Domingo at Brod Pete sa all-original Pinoy comedy game show.
Maliban sa dalawang Kapuso comedians, mapapanood din sa Celebrity Bluff ang tatlong basketball heartthrobs! Time out muna sa court dahil magtatagisan muna sa kaalaman at katatawanan sina Terrence Romeo, Joseph Marata at Jonathan Grey.
Handa na ba kayong maki-“Fact or Bluff' kasama ang inyong mga paboritong artista?
Sabay-sabay tayong matawa at matuto! Tutok na sa Celebrity Bluff tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng Daddy's Gurl.