GMA Logo Joey Marquez
Source: tsong_marquez/IG
What's on TV

Joey Marquez at partner na si Malu Quintana, may pangako sa isa't isa

By Kristian Eric Javier
Published August 7, 2025 1:35 PM PHT
Updated August 7, 2025 1:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Senator Gatchalian seeks abolition of OMB
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News

Joey Marquez


Ano ang pangako nina Joey Marquez at Malu Quintana para sa isa't isa?

Masaya ngayon ang puso ni actor-comedian Joey Marquez sa piling Malu Quintana. Paglalarawan ng aktor sa kaniyang partner, understanding ito at nakikinig sa kaniyang mga daing. At ang pinakaimportante, tinaggap siya nito kung sino talaga siya.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, August 6, ibinahagi ni Joey na meron lamang siyang isang kahilingan kay Malou at iyon ay hayaan siyang magbago, kung kinakailangan, sa sarili niya.

“Sabi ko nga sa kaniya, 'Malu, don't have the mistake of changing me, let me change. Just don't dictate the change.' On my own. Kasi one day, I will realize that I have to change,” sabi ni Joey.

Kasunod nito, nilinaw din ni King of Talk Boy Abunda kung susunod din siya sa hiling na ito, na hindi niya pipilitin magbago ang kaniyang partner.

Sagot ni Joey, “Yes, kaniya-kaniya. Du'n ang ultimate time na talagang 'yun na talaga e.”

Sinagot din ni Joey ang paratang sa kaniya na “babaero” at sinabing hindi iyon totoo. Paglilinaw ng actor-comedian, mapagmahal lang siya kaya ganoon.

“I remember once, when my mother told me, 'Never say no to a woman. Kabastusan 'yan.' Kailangan, respect the women, whatever they like, whatever they want, always yes,” pabirong sabi ni Joey.

Ngunit paliwanag ni Joey, noong mga panahon na iyon, ay naninigurado lang siya na meron siyang pagpililian hanggang sa mahanap na niya ang the one. At ngayong nahanap na niya kay Malu ito, ay tumigil na ang actor.

“Men are born polygamous by nature. Ang lalake talaga, minsan, naghahanap, pero minsan kasi kumukuha lang siya ng options. Pero once they found the real one, kahit bali-baliktarin mo 'yan, hindi na aalis sa'yo 'yan... That's part of my journey, part of my learning, and part of what I am right now.”

BALIKAN ANG NAGING MGA BABAE SA BUHAY NI JOEY SA GALLERY NA ITO: