GMA Logo joey marquez winwyn marquez
What's Hot

Joey Marquez, excited nang makita ang apo kay Winwyn Marquez

By Aimee Anoc
Published March 31, 2022 11:45 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

joey marquez winwyn marquez


"Mas excited ako, siyempre," sabi ni Joey Marquez tungkol sa pagbubuntis ng anak niyang si Winwyn Marquez.

Excited nang makita ni Joey Marquez ang magiging apo nito sa anak na si Winwyn Marquez.

Sa interview sa GMANetwork.com, sinabi ni Joey na madalas siyang mag-alala sa anak dahil kabuwanan na nito ngayong Abril.

joey marquez

"Mas excited ako, siyempre. Actually, araw-araw tumatawag ako sa kanya kasi kabuwanan niya last week of April to first week of May kaya medyo worried ako," sabi ni Joey.

Dagdag niya, "Siyempre, excited ako dahil karagdagan na naman sa mga bilang ng aking pamilya 'yan. At saka first time kong makikita si Winwyn na magiging nanay kaya nga sabi ko sa kanya pagkatapos n'yang manganak pahiram muna."

Disyembre 2021 nang kumpirmahin ni Winwyn na magkakaroon na siya ng anak sa kanyang non-showbiz boyfriend. Matapos ang ilang linggo, ibinalita ng aktres na magkakaroon na siya ng baby girl.

Samantala, mapapanood si Joey sa upcoming series na Bolera bilang si Freddie Roldan, ang magsisilbing mentor ni Joni (Kylie Padilla) sa billiards.

Abangan si Joey sa Bolera soon sa GMA Telebabad.

Samantala, tingnan ang magagandang larawan ni Winwyn Marquez sa gallery na ito: