GMA Logo Joey Marquez
Source: FastTalkGMA (FB)
What's on TV

Joey Marquez, naniniwalang hindi responsibilidad ng mga anak na alagaan ang kanilang magulang

By Kristian Eric Javier
Published August 7, 2025 2:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Massive fire kills 6 in Pakistan’s Karachi, destroys shopping center
No classes in Cebu City, province after Sinulog festivity
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Joey Marquez


Para kay Joey Marquez, hindi responsibilidad ng anak ang alagaan ang kanilang mga magulang.

Naging mainit na usapin kamakailan lang ang isyu tungkol sa pagbibigay suporta at pag-aalaga ng mga anak sa kanilang magulang. Ngunit para kay actor-comedian Joey Marquez, hindi naman responsibilidad ng anak ang kanilang mga magulang.

Matatandaan na July nang muling inihain ang panukalang batas na nagpapataw ng parusa sa mga anak na hindi sinusuportahan o magpapabaya ng kanilang mga magulang. Nakasaad sa naturang panukala na ang mga magulang na hindi kayang tustusan ang sarili mula sa sariling kita o ari-arian, o naging baldado ay d dapat bigyan suporta ng kanilang mga anak.

Sa pagbisita ni Joey sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, August 6, sinagot niya ang tanong ni King of Talk Boy Abunda kung may responsibilidad ba ang mga anak na alagaan ang kanilang mga magulang.

Sagot ni Joey, “Para sa akin, wala e. Kasi bilang magulang, ako kasi hindi ko tinuring na investment ang mga anak ko, tinuring ko siyang responsibilidad na kailangan gawin ko lahat para sa magandang future nila.”

Pagpapatuloy ni Joey, kahit magtagumpay ang mga anak niya sa buhay at sumikat sa kani-kanilang larangan, hindi umano siya makikitira sa kanila at sinabing may pride pa rin siya bilang isang magulang.

Paalala lang umano niya sa kanyang mga anak, “Basta sinasabi ko lang sa kanila, do best in life, and be successful, and that's more than enough. 'Yun na ang kaligayahan ko.”

KILALANIN ANG CELEBRITY DADS NA MAY MAHIGIT SAMPUNG ANAK, KATULAD NI JOEY, SA GALLERY NA ITO:

Samantala, ipinahayag din ni Joey kung gaano niya ipinagmamalaki ang 16 niyang mga anak, kabilang na si Kapuso star Winwyn Marquez, at ang actress na si Zia Marquez. Ngunit kahit umano matagumpay na ang mga anak niya, sinabi niyang hindi siya hihingi ng kapalit sa mga nagawa niya para sa kanila.

“Tatay ka, dapat gawin ang responsibility without asking anything back. Kasi sabi ko nga e, I just want to remind some children here, some sons and daughters, na ang tatay, bibigay niya lahat kahit nahihirapan na siya, e. But he will never ask anything back. Kahit nahihirapan siya, hindi kikibo 'yan,” sabi ng aktor.

Huling paalala pa ni Joey sa mga anak, “Kaya sabi ko, always love your parents.”

Panoorin ang panayam kay Joey dito: