What's Hot

Joey Paras, walang hanggan ang pasasalamat kay Direk Wenn Deramas

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 1, 2020 11:04 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Allen Liwag motivated by surprise Gilas Pilipinas call-up, to join SEA Games after Benilde run
#WilmaPH moves north of E. Samar, over waters of Dolores
Netflix is buying Warner Bros.

Article Inside Page


Showbiz News



Isa ang 'Sunday PinaSaya' mainstay na si Joey Paras sa mga nagluluksa ngayon sa pagkamatay ng direktor na si Wenn Deramas.

By OWEN ALCARAZ

Isa ang Sunday PinaSaya mainstay na si Joey Paras sa mga nagluluksa ngayon sa pagkamatay ng direktor na si Wenn Deramas. Nakasama ni Joey ang yumaong direktor sa ilang pelikula, kabilang na rito ang pinagbidahan niyang Bekikang: Ang Nanay Kong Beki na ipinalabas noong 2013. Ito ang nagsilbing launching movie ng komedyante.

Sa post ng komedyante sa kanyang Instagram account, sinabi nitong mahal na mahal niya ang direktor at hanggang sa dulo ng buhay niya ay walang hanggang pasasalamat ang kanyang sasambitin para rito.

Inalala din ni Joey ang mga bagay na naituro sa kanya ni Direk Wenn. "Tinuruan mo ako kung papano magmahal, hindi lang sa kaibigan, jowa, pamilya, katrabaho, kundi ng sarili ko."

Sa huli, binigyang pugay ng komedyante ang mahal na kaibigan, "Wala ng part 2 si Bekikang pero ang buhay at pag-ibig niya, mananatiling parte na ng buhay ng karamihan. Ikaw si Bekikang."
 

 

Papano kita pasasalamatan? Papano kita makakalimutan? ???? Mahal na mahal kita, Direk @wennderwoman @wennderamas WENN! You will FOREVER be my NUMBER ONE...DREAMGIVER. Hanggang sa dulo ng buhay ko, walang hanggang pasasalamat ang sasambitin ko para sa iyo...dahil hindi ka lang nagpakita ng pagmamahal...TINURUAN mo ako kung PAPANO MAGMAHAL...hindi lang sa KAIBIGAN, JOWA, PAMILYA, KATRABAHO...kundi ng SARILI KO. Wala na. Wala ng PART 2 si Bekikang. Pero ang buhay at pag-ibig niya...mananatiling PARTE na ng buhay ng karamihan. Ikaw si BEKIKANG. At salamat sa pagmamahal mo. ???????? Okay...sige...after ilang ORAS...tatanggapin ko na...WALA KA NA. Pahinga ka na Direk Wenn. Magkita na lang tayo sa Set. Sa bago nating proyekto..DOON SA ITAAS. Sa piling NIYA. REST IN PEACE, DREAMGIVER. ??

A video posted by Joey Paras (@joeyparas) on