GMA Logo John Arcilla
Source: Fast Talk with Boy Abunda, gmanetwork/YT
What's on TV

John Arcilla, dating kontesero sa mga singing contest?

By Kristian Eric Javier
Published November 26, 2024 10:21 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIST: Winners of the MMFF 2025 Gabi ng Parangal
Purple Hearts Foundation brings joy via year-end gift-giving outreach
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

John Arcilla


Bukod sa pagiging magaling na aktor, isang amateur singing contest veteran rin si John Arcilla. Alamin ang kwento dito.

Bago pa siya naging ganap na aktor at hinangaan sa historical biopic na 'Heneral Luna,' isa munang mang-aawit si John Arcilla at katunayan, dati siyang sumasali sa mga amateur singing contest noong kabataan.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, November 25, ay kinuwento ni John na dati siyang sumasali sa amateur singing contests sa Baler, Aurora.

“Amaturista ako. Ang Ate ko, Ate Marivic ko, laging 'Boy, mayroon ditong ano, amateur contest sa Barangay 1. Halika! Boy, may amateur contest sa Barangay Buhangin, sumama tayo!'” pag-alala ni John.

TINGNAN ANG PINOY SINGERS NA UNANG NAKILALA SA KAPUSO SINGING COMPETITIONS SA GALLERY NA ITO:

Kuwento pa ni John, nasusungkit niya ang panalo dahil sa kantang "Kapalaran" ni Rico J. Puno. Ngunit pag-alala ng batikang aktor, tumagal lang ito hanggang sa maging adolescent siya at nagbago ang kaniyang boses.

“When I was 13, nag-change 'yung vocal capacity ko o 'yung voice box ko, nag-change so for the first time, nag-crack 'yung voice ko. I was 13 or 12 years old, I was singing 'Kapalaran' and from then on, 13 years akong nagka-stage fright, hindi ako nakakanta sa stage,” pag-alala ni John.

Aniya, iyon ang naging trauma niya kaya't tumigil siya sa pagkanta sa edad na 13 taon dahil hindi siya nakakatungtong ng stage nang mag-isa. Sabi ni John, kailangan ay laging may ka-duet siya kaya naisip niyang sumali na lang noon sa choir at naging assistant to choir master siya sa Baler.

Ngunit pag-amin ng batikang aktor, “Nag-shift ngayon, since alam kong may passion ako sa singing at saka sa performance, napunta sa acting.”

Pag-amin ni John, maituturing niyang isa sa mga pivot ng kaniyang karera ang pelikulang 'Heneral Luna' ngunit para sa kaniya, ang pinakauna ay noong nakagawa siya ng musical theater ni Ryan Cayabyab.

“Sa theater no, parang ang feeling ko, 'Wow! I'm doing a musical as a lead performer.' Imagine, si Regine Velasquez ay naging leading lady ko, partner ko sa Noli Me Tangere, and then nu'ng mag-Rizal, ako na talaga 'yung main,” pag-alala ni John.

Pagpapatuloy pa ng aktor, “Main din naman ako sa lahat kaya lang may ma ka-alternate ako. Ito, ako na talaga 'yung main so para sa'kin, 'Wow, nandito na 'ko, nagawa ko 'to.”