
Sa pagbabalik ng action-drama series na Lolong, may mga bagong makakasama ang primetime action hero na si Ruru Madrid. Ilan sa mga bagong karakter na mapapanood ay si Nikko Natividad, Sparkle star Martin Del Rosario at ang seasoned actor na si John Arcilla.
Sa story conference na ginanap nitong Biyernes, October 25, pormal nang ipinakilala ang mga bagong karakter na mapapanood sa season 2 ng serye ngayon may titulong Lolong: Bayani ng Bayan.
Ipinakilala si John bilang si Julio Figueroa, isang makapangyarihang negosyante na namumuno rin sa grupo ng mga kriminal. Uutusan niya si Ivan, ang karakter na gagampanan ni Martin, para saktan at pahirapan si Lolong (Ruru) na naghahanap ng espesyal na kristal matapos malagay sa kapahamakan ang minamahal niyang si Elsie (Shaira Diaz).
Sa story conference ay sinabi ni John Arcilla na looking forward siya sa gagampanan niyang kontrabida role dahil sa dami ng layers ng kaniyang karakter.
“'Yung complexity ng character ni Julio is believable but at the same time, logical. 'Yung values niya at 'yung mga pwedeng sikreto niya at pinanggagalingan, or 'yung center nung character, pinaka-backbone ng character is very, very pulido and malinaw kaya very interesting. I'm so excited to do it,” sabi ng beteranong aktor.
Aniya, tinanggap niya ang role ni Julio dahil nakikita niya ang pagiging totoong tao nito.
“Ako kasi usually kahit gumagawa ako ng kontrabida, hinahapan ko 'yung part ng character na totoo at pwede mangyari sa isang tao. Ayoko gumawa ng kontrabida na caricature, na parang cartoons na walang pinanggalingan,” sabi ni John.
Bukod kina John, Nikko, at Martin, makakasama rin nila sa mga bagong cast sina Rocco Nacino, Nikki Valdez, Tetchie Agbayani, Klea Pineda, Leo Martinez, at marami pang iba.
Samantala, kilalanin ang mga artistang magiging bahagi ng cast ng Lolong: Bayani ng Bayan dito: