What's on TV

John Arcilla, pamumunuan ang kaharian ng 'Hathoria' sa 'Encantadia' bilang Hagorn

By AL KENDRICK NOGUERA
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 3, 2020 12:13 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: January 19, 2026
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News



Makakatulong ni John sa pagpapalaganap ng kasamaan sa Encantadia ang Kapuso stars na sina Rochelle Pangilinan at Vaness del Moral na gaganap bilang Agane at Gurna.

Sa pagbabalik ng inaabangang GMA telefantasya na Encantadia, may bagong mukha na maghahasik ng kasamaan bilang Hagorn at ito'y walang iba kung 'di si Kapuso actor John Arcilla.

Naging maingay ang pangalan ni John nang gumanap siya sa pelikula noong nakaraang taon bilang si Heneral Antonio Luna. Ngayon, isa na namang challenge ang kanyang haharapin at sa pagkakataong ito, siya ay magiging kontrabida.

 

Padating na ang HARI ng HATHORIA ang maghahari sa BUONG ENCANTADIA. The next Big thing in your TELEVISION: GMA's TELEFANTASIA - ENCANTADIA 2016.

A photo posted by JOHN ARCILLA (@johnarcilla) on


Dating ginampanan ni Pen Medina, bibigyang buhay muli ni John ang malupit na karakter ni Hagorn. Siya ang pinuno sa kaharian ng Hathoria at nais niyang mapasakamay ang apat na brilyante na inaalagaan ng apat na Sang'gre.

READ: Mga bagong 'Encantadia' Sang'gres, pinangalanan na!

"I will show the soft part of him because sabi naman roon sa character description, hindi naman siya talaga very dark na character kasi the anger actually came from loving a woman or hating someone who killed his father," paliwanag ni John.

Makakatulong ni John sa pagpapalaganap ng kasamaan sa Encantadia ang Kapuso stars na sina Rochelle Pangilinan at Vaness del Moral na gaganap bilang Agane at Gurna.

"Si Agane ay matapang, sakim, ['yan] 'yung pagkatao niya. Masama siyang tao," pagpapakilala ni Rochelle kay Agane.

Samantala, tatayo naman bilang dama ni Pirena (Glaiza de Castro) si Gurna. Saad ni Vaness, "Siya 'yung spy. So tignan natin kung papaano natin lalampasan ['yung dating Encantadia]."

MORE ON ENCANTADIA:

EXCLUSIVE: Ang mga bagong 'Encantadia' Sang'gres

Sanya Lopez, hindi inasahang siya ang mapipiling gumanap kay Danaya sa 'Encantadia'

Kylie Padilla, Gabbi Garcia, Sanya Lopez at Glaiza de Castro, excited na sumabak sa kanilang roles sa 'Encantadia'