
Mapapanood na ngayong Martes, November 4, sa Sang'gre ang pagbabalik ni John Arcilla bilang Hagorn, ang iconic villain ng Encantadia 2016.
Mula sa pagiging Hari ng Hathoria, magbabalik si Hagorn bilang Panginoon ng Balaak (impyerno).
Sa Facebook, ipinasilip ni John Arcilla ang behind-the-scene clip habang inaayos ang kanyang costume. Kita rin ang excitement ng aktor sa pagbabalik bilang Hagorn na naka-in character pa habang inaayusan.
Sulat niya, "HANDA NA BA ANG BUONG ENCANTADIA?"
Makakasama rin ni John Arcilla sa pagbabalik sa Sang'gre ang kanang kamay ni Hagorn na si Agane, na muling gagampanan ni Rochelle Pangilinan.
Samantala sa Sang'gre, ipinasilip na ang pagdating ni Sang'gre Pirena (Glaiza De Castro) sa Balaak. Makikilala na rin niya ang Panginoon ng Balaak, at ito ay walang iba kundi ang kanyang amang si Hagorn.
Ano kaya ang mangyayari sa muling pagkikita ng mag-amang Pirena at Hagorn sa Balaak?
Abangan ang pagbabalik ni John Arcilla bilang Hagorn sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Related gallery: Ivo Livé: Pirena's remarkable scenes on Encantadia Chronicles: Sang'gre