
Kontrabida man ay napamahal na si Hagorn sa mga nanonood ng Encantadia. Ngunit wala na sigurong mas napalapit dito kundi ang aktor na si John Arcilla.
WATCH: John Arcilla a.k.a. Hagorn, magbabalik sa 'Encantadia'
Sa pagtatapos ng Encantadia noong Biyernes, May 19, hindi napigilan ng batikang aktor na maging emosyonal sa kanyang pamamaalam sa ginampanang character.
Aniya, isa sa mga paborito niyang role na mabigyang buhay si Hagorn. "HAGORN is one of the most FAVORITE and challenging characters I have ever collaborated with such a fabulous production team. One of the BEST projects I am part of is about to END and I will cherish all the memories and love I have ever experienced from the whole cast and crew."
Bukod sa pasasalamat sa mga nakatrabaho, inamin din ni John na kung bibigyan siya ng isa pang pagkakataong maging Hagorn ay agad niya itong tatanggapin.
"Minahal ko ng sobra ang proyektong ito. Lagi ko kayong hahanapin at babalikan. Kung pwede lang akong mag-Hagorn sa remake after 10 years, I would gladly accept. Sana lang kaya ko pa ang 10 fighting routines. May God bless you all and keep you safe."