
Paldong paldo ang fans ng male Kapuso teen housemates nitong second season ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition dahil dalawa pa sa kanila ay binigyan ng feature sa isang international lifestyle magazine.
In-upload ng VMan Southeast Asia sa kanilang official Instagram account ang photos mula sa feature nito kina John Clifford and Marco Masa, kasama na rin ang ilang mga quotes mula sa dalawang Kapuso stars. Ayon sa publication, si Clifford ay nabago ng panahon niya sa loob ng PBB house, dahil meron na siya ngayong “stronger sense of accountability and a commitment to authenticity,” habang si Marco naman ay inilarawang bilang isang tao na merong “more grounded image, pursuing roles that reflect his age and evolving identity.”
Related gallery:
Sina Clifford at Marco ang pinakabagong na-feature sa VMan Southeast Asia, dahil nauna nang inanunsyo si Second Big Placer Heath Jornales ng publication. Ayon sa VMan Southeast Asia, si Heath ay isang “emerging talent shaped as much by discipline and curiosity as by the spotlight itself.”
Hindi ito ang unang pagkakataon na na-feature ang mga Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemates sa VMan Southeast Asia. Ang housemates ng nakaraang edition na sina Will Ashley, Dustin Yu, Vince Maristela, at Josh Ford ay na-feature na rin sa magazine.
Ang kanilang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemate na si Michael Sager ay naging digital cover star din ng VMan Southeast Asia noong February 2025.
Related gallery: