
Ngayong Biyernes (February 14), may inihanda si Dingdong Dantes sa special Valentine episode ng Amazing Earth.
Mapapanood sa Amazing Earth ang Sparkle artists na sina John Clifford at Olive May. Sina John at Olive ay sasabak sa thrilling ATV ride sa Tanay. Mayroon din silang head-to-head (and heart-to-heart) fun Valentine quiz na dapat abangan.
Ibabahagi rin sa Biyernes ang kuwento ng Kapuso Primetime King tungkol sa mga mountaineers at ng kanilang adventure sa Kalinga Province's Mt. Patukan. Alamin din ang kuwento kung bakit nakuha nito ang monicker na Sleeping Beauty Mountain.
Tampok pa sa Amazing Earth ngayong Biyernes ang final episode ng nature series na “Asia's Weirdest.”
Abangan ang Amazing Earth ngayong Biyernes (February 14), 9:35 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Amazing Earth via livestream sa gmanetwork.com/kapusostream at sa Facebook page at YouTube channel ng GMA Network at Amazing Earth PH.