What's Hot

John Estrada attests to Jak Roberto and Barbie Forteza's love for each other

By Aaron Brennt Eusebio
Published May 21, 2019 3:52 PM PHT
Updated May 21, 2019 4:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Gasoline prices up by P1.20 on Tuesday, Dec. 9, 2025
Michelle Dee elevates casual outfit with designer bag
Farm to Table: (December 7, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News



John Estrada wishes 'Kara Mia' co-stars Jak Roberto and Barbie Forteza's relationship to last.

Bilib na bilib ang beteranong aktor na si John Estrada kung paano magmahalan ang kanyang Kara Mia co-stars na sina Barbie Forteza at Jak Roberto.

John Estrada
John Estrada

"Talagang bilib na bilib ako dun sa dalawang 'yun.

“Makikita talaga na very palpable yung pagmamahal nila sa isa't isa," sabi ni John nang tanungin kung ano ang masasabi niya kina Jak at Barbie sa press conference ng pelikula niyang The Last Interview: The Mayor Antonio Halili Story kanina, May 21.

Nag-celebrate kamakailan sina Jak at Barbie ng kanilang second anniversary at may isang hiling lang ang kanilang Kuya John.

LOOK: Barbie Forteza and Jak Roberto celebrate 2nd anniversary as couple

"Ako, to be honest, nung nasa ganun akong edad, I would probably say na may mga aspeto sa relasyon noon na pinabayaan ko, pero itong dalawa talaga napaka-sweet.

"Ang tawagan nila sa isa't isa ay 'mahal.' Di ba, napakaganda?"

Dagdag pa ni John, sana ay sina Jak at Barbie na ang magkatuluyan dahil "very genuine" ang kanilang pagmamahalan.

#JakBie: Barbie Forteza and Jak Roberto through the years

#JakBie: Barbie Forteza and Jak Roberto's sweetest photos

Bibigyang buhay ni John ang pinatay na mayor ng Tanauan, Batangas sa The Last Interview na mapapanood na bukas sa mga sinehan.

Mapapanood din si John, kasama sina Jak at Barbie, gabi-gabi sa Kara Mia sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.