
Sina Kapuso comedian John Feir at beauty queen-actress Sam Acosta ang bibida sa bagong episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.
Magtatambal sila sa episode na pinamagatang "Move On, Man!"
Gaganap dito si John bilang Rene, workaholic na napabayaan ang sarili, kaya hiniwalayan ng kanyang asawa.
Bibigyan siya ng makeover ng isang life coach at hihikayating pumasok muli sa dating scene.
Si Sam naman ay si Ashley, babaeng makikilala ni Rene at magbabalik ng kanyang confidence.
Si Ashley na nga ba ang susi sa pagmo-move on ni Rene?
Huwag palampasin ang bagong episode na "Move On, Man!," February 15, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari rin itong i-livestream sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play.
Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.