
Mukhang napa-'Patrick' ang isang kasal na ginaganap sa Don Bosco, Makati nang dumating ang Pepito Manaloto star na si John Feir. Ginagampanan ng Sparkle comedian ang role bilang Patrick sa Kapuso sitcom na BFF ni Pepito played by multi-awarded comedian Michael V..
Ito ang ni-reveal ng co-star niya na si Mikoy Morales nang ibinahagi niya ang private conversation nila ni John. Inakala kasi ng komedyante na sa January 3 ang wedding ng Kapuso actor sa fiancée niya na si Isa Garcia.
Pero na-malikmata lamang si John dahil ang nakalagay sa wedding invitation na pinadala sa kaniya ni Mikoy ay "RVSP on or before Jan 3, 2026."
Natatawang kuwento ni Mikoy sa Facebook sa nangyari sa kaniyang Pepito Manaloto co-star.
"NANANAWAGAN PO KAMI:
"Kung sinuman ang kinasal kaninang 4pm nang hapon sa Don Bosco, Makati - baka po pwedeng makahingi ng kopya ng SDE. Andun po si john feir, siya lang ang naka-Barong. 😂
"Kwento: Sa March pa ang kasal at ang nakalagay sa invitation ay “Please RSVP on or before Jan 3.”
"Eh “Jan 3” lang yung nabasa. 🥲
"Ayun, dumating kanina. Pag dating niya lahat naka-suit, siya lang ang naka-Barong. Pina-gitna pa siya at ginandahan daw ng anggulo yung pagkuha sa kanya ng photo/video. Wala siyang nakilala at iba daw hitsura ng groom. Tsaka lang tumawag kay Electric Fans of Chariz Solomon para magtanong at magkwento at ayun nga, confirmed: Na-Patrick siya in real life. 😆
"Kaya advance thank you sa pag punta, kuya John! I-kain mo na lang yan ng hatdog!
Makikita na nagbiro na lang si John Feir kay Mikoy sa DM nito na: “ Sa sobrang pagmamahal ko sayo kala ko ngayon kasal mo.”
Inanunsyo ni Mikoy ang engagement niya sa kaniyang non-showbiz partner noong Pebrero 2025 at naging magkarelasyon sila taong 2021.
RELATED CONTENT: Celebrity weddings na kinakiligan ng netizens ngayong 2025