
Mahigpit man ang pinaiiral na safety protocols sa taping ng award-winning sitcom na Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento para masiguro na ligtas ang lahat sa shooting, lumabas pa rin ang pagiging kenkoy ng cast members ng sitcom.
Sa Instagram post ng comedian na si John Feir, na gumaganap na si Patrick, ipinasilip niya ang kulit photo niya with his “frenemy” na si Baby na pino-portray ni Mosang.
Kasama din sa photo ang versatile actress-singer na si Manilyn Reynes.
From Mosang's Instagram account
Matatandaan na nakapag-taping na sina Manilyn at si Arthur Solinap sa Pepito Manaloto.
Ipinasilip din ng Kapuso actress ang ilan sa mga highlights ng “new normal” taping nila sa multi-awarded sitcom ng GMA-7.
Mga Kapuso, sinu-sino sa cast ng Pepito Manaloto ang pinaka na-miss ninyo nitong mga nagdaan na buwan?
#NewNormal: Celebrities at ang kanilang pagbabalik-trabaho
Manilyn Reynes at Arthur Solinap, sumabak na sa taping para sa 'Pepito Manaloto'
Nakaaaliw na 'Pepito Manaloto' viber stickers, available na!