
Bibida ang Kapuso comedian na si John Feir sa bagong episode ng weekly anthology series Regal Studio Presents.
Pinamagatang "My Lucky Charmaine," gaganap siya dito bilang basurerong si Richie.
Maraming iba't ibang schemes si Richie para makaipon ng pera dahil gusto niyang makauwi sa Leyte.
Kaya lang, nalilihis siya sa kanyang goal dahil na rin sa kanyang mga bisyo.
Tatamaan ng suwerte si Richie nang matagpuan niya ang batang si Charmaine sa kanyang kariton.
Noong una, pilit niyang iiwan si Charmaine pero nang mapansin niyang lagi siyang nagkakapera dahil sa bata, lalambot din ang puso niya dito.
Tatagal ba ang dalang suwerte ni Charmaine kay Richie?
SILIPIN ANG MGA EKSENA SA EPISODE DITO:
Huwag palampasin ang brand-new episode na "My Lucky Charmaine," February 23, 4:15 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari din itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.