
Isang masarap na Sunday menu ang inihanda nina Chef Boy Logro at Chynna Ortaleza sa Idol sa Kusina.
Nitong May 12 ay flavors of Northern Luzon ang naging tema ng weekend cooking show. Nakasama nina Chef Boy at Chynna ang Kapuso child star na mula sa My Special Tatay na si John Kenneth "Dekdek" Giducos.
Sa gitna ng kanilang paghahanda ng kamote donuts ay ibinahagi ni Dekdek ang kanya umanong healthy food option.
Alamin kung ano ito at kung bakit nagulat at natawa si Chef Boy.