GMA Logo John Kenneth Giducos
What's on TV

John Kenneth Giducos, gaganap sa '#MPK' bilang batang bitbit ang kapatid sa paaralan

By Marah Ruiz
Published May 27, 2021 4:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

24 Oras Weekend Livestream: December 27, 2025
Purple Hearts Foundation brings joy via year-end gift-giving outreach
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

John Kenneth Giducos


Bibigyang-buhay ni John Kenneth Giducos ngayong linggo sa '#MPK' ang mag-aaral na nag-viral dahil dala nito ang nakababatang kapatid hanggang sa classroom.

Ang Kapuso child actor at singer na si John Kenneth Giducos ang bibida sa isang episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman ngayong parating na Sabado.

Bibigyang-buhay niya ang kuwento ni Alexis Peralta, ang mag-aarala mula sa Leyte na nag-viral dahil lagi niyang bitbit ang kanyang nakababatang kapatid maging sa eskuwelahan. May cerebral palsy kasi ang kanyang kapatid na si AJ.

Karga si AJ, nilalakad ni Alexis ang halos tatlong kilometro mula sa kanilang bahay hanggang sa paaralan. Hindi niya maiwan ang kapatid sa bahay dahil walang mag-aalaga dito.

Ang kanilang inang si Luna, na gagampanan ng aktres na si Ana Capri, lumuwas ng Maynila para maghanap ng trabaho.

May stepfather naman sila pero mapanakit ito.

Nang malaman ng kanyang mga guro ang sitwasyon ni Alexis, nag-abot ang mga ito ng tulong sa kanya. Pinayagan din muna siyang pansamantalang tumuloy sa isang silid sa paaralan para hindi na maglakad ng malayo.

Balikan ang kuwentong ito na umantig sa puso ng mga Pilipino sa "Kuya Na, Nanay Pa" ngayong Sabado, May 29, 8:00 pm sa '#MPK.'

Samantala, silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito: