GMA Logo John Lapus
Photo source: KorekKaJohn (X)
What's Hot

John Lapus, may nakakatawang reaksyon sa solusyon sa flood control projects

By Karen Juliane Crucillo
Published September 11, 2025 6:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spanish prosecutors to hear testimony of Julio Iglesias accusers, rights group says
Brgy chairman in Zarraga, Iloilo accused of r@ping teen
A new 'Heated Rivalry' book is coming this September

Article Inside Page


Showbiz News

John Lapus


May nakakaaliw na reaksyon si John Lapus sa lie detector challenge ni Sen. Jinggoy Estrada na kinagiliwan ng netizens.

Bumaha ng reaksyon ang kontrobersiya tungkol sa flood control projects mula sa mga celebrities at iba't ibang personalidad, at isa na rito ang nakakaaliw na komento ng komedyanteng si John "Sweet" Lapus.

Sa X (formerly Twitter), sinagot ng komedyante ang inihain na solusyon ni Sen. Jinggoy Estrada na magpa-lie detector test matapos idawit ni former Department of Public Works and Highways (DPWH) Bulacan assistant district engineer Brice Hernandez na siya raw ay may kinalaman sa kontrobersiya.

"Available po ako bukas sa mga gusto magpa-lie detector test. Ty fyi," sabi ni John.

Umani naman ito ng nakakatuwang reaksyon galing sa netizens sa comment section.

"Mag-stretching ka, Ms. Sweet. For sure, puro lie 'yan," sabi ng isa sa mga nagkomento.

Komento pa ng isa, "Sweet, mapapagod ka kakasayaw sa dami ng lies."

Nakuha ni Sweet ang kaniyang joke sa hit segment niya noon sa GMA-7 showbiz talk show na Showbiz Central na Don't Lie To Me.

Dumadaan sa matinding lie detector test ang guest celebrity at sa oras na lumabas na 'lie' ang sagot nito, mapapasayaw ito kasama ang kaniyang back-up dancers.

Sa kaniyang segment, ihahagis pa ang komedyante pataas sa ere na parang isang cheerleader.

Nag-trending din muli ang Showbiz Central sa X dahil sa interaksyon ni Sen. Risa Hontiveros at Sweet patungkol kay dismissed Mayor ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo na umiiwas sumagot sa isang senate hearing.

Ni-retweet ng account ni Sen. Risa ang funny video at sa caption ay inimbitahan niya si Sweet, “Baka naman libre ka next week, @KorekKaJohn.”

Sagot naman ni Sweet, “Pwedeng-pwede Sen. Iready na ang dalawang dosenang back-up dancers!”

RELATED GALLERY: Celebrities and influencers share their take on trending flood control projects controversy