
Hindi na nga napigilan ng komedyanteng si John Lapus magbigay ng komento tungkol kay OPM star Denise Julia.
"Mga anak, sino si Denise Julia?" tanong ni John sa kanyang X account.
Tila naging isang comedy show ang comments section dahil maraming nakakatuwang entry ang mga netizen sa tweet ni John.
Mayroong nag-send ng mga litrato nina Denise Laurel, Julia Montes, Julia Barretto, at Dennis Padilla.
mga anak sino si Denise Julia?
-- John Lapus (@KorekKaJohn) December 20, 2024
Mas kinagiliwan ng mga netizen sa X na nakalimutan ni John na nakatrabaho na pala niya ang OPM star.
Sinagot ni John ang komento ng isang user na naglapag ng litrato na nakasama na ng komedyante si Denise Julia sa isang photoshoot ng magazine nitong June 2024.
Kuwento ni John, "Oh. 2 days shoot yan nak. Baka sa 2nd day sya. Kasi lahat ng kasabay ko sa 1st day knows ko. Yung mga hindi ko knows nagpakilala sa akin."
Oh. 2 days shoot yan nak. Baka sa 2nd day sya. Kasi lahat ng kasabay ko sa 1st day knows ko. Yung mga hindi ko knows nagpakilala sa akin. https://t.co/0Sj7PpMxoq
-- John Lapus (@KorekKaJohn) December 21, 2024
Kamakailan lamang, nag-trending si Denise Julia dahil kinuwento ng celebrity photographer na si BJ Pascual sa podcast ni Killa Kush na isa ang singer sa kanyang "stressful encounter."
Kasabay nang pagsabog ng kontrobersiya, inanunsyo ng singer ang kanyang social media break sa kanyang Instagram story.
Pinasalamatan niya rin ang kanyang fans dahil sa tagumpay na pagtatapos ng kanyang Sweet Nothings: The Denise Julia Experience concert.
"And that's officially my last post for the year. Social media break starts now. Detoxing from the digital world," isinulat ni Denise Julia.
Dagdag nito, "Apps deleted, focus restored. Will be back next year. I love you guys."
Kilalanin rito ang OPM singer na si Denise Julia: