
Bongga talaga ang pagbabalik showbiz ni John Lloyd Cruz dahil hindi lang basta-basta ang timeslot ng kanyang gagawing programa.
Inanunsyo mismo ni Willie Revillame sa katatapos lamang na "Siksik sa 6.6: The Shopee 6.6 Midyear Sale TV Special" na pang primetime ang gagawing TV show ni John Lloyd sa GMA.
"Abangan n'yo ho, magsasama kami ni Lloydie, isang primetime show. Abangan n'yo po 'yan dito sa GMA 7," saad ni Willie.
Samantala, halatang sabik na din na muling mag-trabaho si John Lloyd.
Aniya, "Nagpapasalamat sa'yo (Willie), nandito ako, excited to be back... Nandito ako dahil sa'yo so thank you."
Abangan si John Lloyd Cruz sa kanyang gagawing primetime show sa GMA.
Samantala, sa apat na taong pagkawala ng aktor sa limelight, silipin ang kanyang mga pinagkaabalahan sa gallery na ito: