
Matapos ang kaniyang matagumpay na concert kamakailan para sa kaniyang 20th anniversary sa show business, tila may pasabog na naman ngayon ang tinaguriang Pop Star Royalty na si Sarah Geronimo kung saan nag-post siya ng larawan sa kaniyang Instagram kasama ang aktor at dating leading man na si John Lloyd Cruz.
Makikita sa nasabing post ni Sarah ang larawan nila ni John Lloyd na kinunan sa opisina ng Viva Films, na nilagyan niya ng caption gamit ang film camera emojis.
Dahil dito, maraming fans nina Sarah at John Lloyd ang na-excite sa kanilang posibleng reunion project. Maging ang ilang celebrities gaya ni Miles Ocampo ay nag-komento rin sa naturang post ni Sarah.
Taong 2008 nang unang magtambal sina Sarah at John Lloyd sa romantic-comedy film na A Very Special Love.
Sa ngayon, napapanood si John Lloyd sa weekend sitcom na Happy ToGetHer ng GMA, habang si Sarah ay abala naman muli sa kaniyang music career.
Kamakailan lamang din ay naganap na ang pagbabalik-Kapuso ng asawa ni Sarah na si Matteo Guidicelli. Kasalukuyang napapanood ngayon si Matteo sa flagship morning show ng GMA na Unang Hirit.
KILALANIN NAMAN ANG BAGONG KAPUSO LOVE TEAMS NA NAGPAKILIG NOONG 2022 SA GALLERY NA ITO: