GMA Logo John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias
Sources: msvansoyosa/IG, isabelreyesantos/IG
What's Hot

John Lloyd Cruz, Ellen Adarna, muling nagkita para sa piano recital ng anak na si Elias

By Kristian Eric Javier
Published December 15, 2025 6:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Simbang Gabi (December 15, 2025) | GMA Integrated News
Teen stabbed multiple times in DueƱas, Iloilo
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias


Muling nagkita sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna para sa piano recital ng anak na si Elias.

Muling nagkita ang dating magkasintahan na sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna para sa naganap na piano recital ng anak nilang si Elias.

Sa Instagram Stories ni Ellen, ibinahagi niya ang litrato na pinost ng talent manager na si Van Soyosa na litrato nila ni John Lloyd, kasama ang anak na si Elias na hawak naman ang certificate of achievement nito.

Naroon din ang girlfriend ni John Lloyd, ang artist na si Isabel Santos, na nag-post din ng video ng recital ni Elias, na ni-repost din ni Ellen.

TINGNAN ANG ILAN SA ADORABLE LOOKS NG ANAK NINA JOHN LLOYD AT ELLEN NA SI ELIAS SA GALLERY NA ITO:

Samantala, kasama rin ni Ellen ang anak niya kay Derek Ramsay na si Lili.

Kamakailan lang ay nalagay sa kontrobersiya si Derek dahil sa alleged cheating nito kay Ellen, dahilan para umalis ang aktres at kanilang anak sa bahay nila. Dahil dito, isang netizen ang nangamusta ng relasyon niya kay John Lloyd.

Paglilinaw ni Ellen, maayos ang relasyon niya kay John Lloyd bilang mga magulang kay Elias.

“Kay JL dai wala talaga ako masabi. I have nothing but good things to say about him,” pahayag ni Ellen para sagutin ang tanong ng isang netizen.

Pag-amin ng aktres, nagkaroon man sila ng hindi pagkakaintindihan noon, masasabi at pinuri niya si John Lloyd bilang isang ama.

“We had our differences in the past but I respect him because he is a very good provider. He is honest. He is a very present father. Like take note noong naghiwalay kami ni JL that was before Elias turned one year old, present siya,” sabi ni Ellen.