What's Hot

John Lloyd Cruz, GMA Pictures president Annette Gozon-Valdes, nag-usap para sa grand comeback ng aktor?

By Dianara Alegre
Published May 31, 2021 11:43 AM PHT
Updated May 31, 2021 5:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Palace on Bong Revilla: Allies won't be spared
Resolusyon aron Mabalik ang Karaang Pamaagi sa Fluvial Procession, Giduso | Balitang Bisdak
Italian fashion designer Valentino passes away

Article Inside Page


Showbiz News

John Lloyd Cruz comeback


Bukod sa appearance ni John Lloyd Cruz sa 'Wowowin' para sa grand event ng isang shopping app sa June 6, posible kayang muling mapanood ang aktor sa Kapuso Network?

Matapos ang halos limang taong paglayo sa limelight, muling nagbabalik sa mundo ng showbiz ang award-winning actor na si John Lloyd Cruz at mapapanood ito sa Kapuso Network.

Mapapanood ang aktor sa show ni Willie Revillame na Wowowin para sa grand event ng isang shopping app sa June 6.

John Lloyd Cruz

Source: crownartistmgmt (Instagram)

Una nang ibinahagi ni Willie sa programa na nagkausap sila ni John Lloyd nang bisitahin siya nito sa resort niya sa Puerto Galera.

Sa kanilang heart-to-heart talk, inamin umano ng aktor na na-burn out siya sa kanyang buhay showbiz kaya nagpasya siyang pansamantala munang umalis noong 2017.

Naging mailap sa publiko ang aktor ngunit kamakailan ay ginulat niya ang publiko nang ianunsiyo ng talent management ng aktres na si Maja Salvador, ang Crown Artist Management, ang pagpirma ng kontrata ng aktor dito.

A post shared by Crown Artist Management Inc. (@crownartistmgmt)

Samantala, bukod sa appearance niya sa Wowowin, nakapag-usap na rin umano sina John Lloyd at GMA Pictures president Annete Gozon-Valdes para sa posibilidad ng grand comeback ng aktor.

Samantala, kilalanin ang iba pang celebrities na iniwan ang buhay-showbiz sa gallery na ito:

Related content:

Willie Revillame, bakit humanga sa paglisan ni John Lloyd Cruz sa showbiz noon?