GMA Logo john lloyd cruz
What's Hot

John Lloyd Cruz, hinihingan ng paracetamol ng netizens

By Jimboy Napoles
Published January 5, 2022 6:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Easterlies magadala sang lapta-lapta nga pag-ulan sa Western Visayas kag Negros| One Western Visayas
How to safely package, transport, and light firecrackers
The fruits to have for Media Noche so you'll attract a prosperous 2026

Article Inside Page


Showbiz News

john lloyd cruz


Bukod sa pagiging magaling na aktor, naging endorser din si John Lloyd Cruz ng isang brand ng paracetamol.

Matapos ang sunud-sunod na gatherings nitong nagdaang holiday season, sinalubong naman ng maraming Pinoy ang unang linggo ng bagong taon nang masama ang pakiramdam.

Kaya naman ang ilang mga botika naubusan na raw ng stocks ng paracetamol.

Dahil dito, may ilang netizens na idinaan na lang sa biro ang kakulangan ng supply ng paracetamol sa kanilang lugar.

Gaya na lamang ng isang netizen na nag-message sa Facebook page ng Happy ToGetHer star na si John Lloyd Cruz. Kilala kasi si John Lloyd bilang endorser noon ng isang brand ng paracetamol.

Kaya naman ang paniniwala ng ilan ay maraming nakatabing gamot ang aktor.

Mensahe ng netizen, "Lodi, baka may stock ng biogesic diyan, wala na mabilhan! [Laughing emoji]."

May ilan pa na nag-mention kay JLC sa kanilang mga posts na humihingi rin ng gamot.

Sa kabila ng mga report tungkol sa shortage ng paracetamol sa bansa, itinanggi naman ito ng Department of Health at Department of Trade and Industry.

Mapapanood naman si John Lloyd sa Happy ToGetHer tuwing Linngo, bago ang Kapuso Mo, Jessica Soho, sa GMA.

Samantala, mas kilalanin pa si JLC sa gallery na ito: