
“Oo.” Ito ang mabilis na sagot ng multi-awarded TV idol na si John Lloyd Cruz nang matanong ng entertainment press kung payag ba siyang mag-guest sa high-rating sitcom nina Vic Sotto at Maine Mendoza na Daddy's Gurl.
Sa idinaos na online media conference para sa upcoming comedy show ni John Lloyd na Happy ToGetHer last December 17, natanong siya ng veteran entertainment writer na si Dondon Sermino kung willing ba siya na mag-guest sa Daddy's Gurl.
Sagot ng magaling na aktor, “Kung meron opportunity [why not]. I'd be honored na mapadpad ako sa kanilang programa.”
Excited din si John Lloyd Cruz kung sakaling mag-crossover naman si Bossing sa Happy ToGetHer. Dagdag niya, “Kami naman dito sa bahay namin sa Happy ToGetHer, siyempre naman iwe-welcome namin with open arms ang presence ni Bossing.”
Kilig is back on Sunday Grande sa Gabi sa world premiere ng Happy ToGetHer sa darating na December 26, bago ang Kapuso Mo Jessica Soho.
It's a date with Julian this Sunday night, mga Kapuso!
Check out some of the behind-the-scenes photos of Happy ToGetHer in this gallery.