
Dinagsa ng Pinoy fans ang concert ng South Korean-American singer at rapper na si Jessi sa SM MOA Arena noong Biyernes ng gabi, September 30, na may pamagat na “Zoom In Manila.”
Kabilang sa mga pinerform niya ang mga kantang "Nunu Nana," "Cold Blooded," at hit single niyang "Zoom" na patok sa mga Pinoy.
Sa Instagram, ibinahagi ni Jessi ang ilang kuha mula sa kanyang concert kung saan maririnig ang todo hiyawan ng kanyang fans.
Nagpasalamat naman si Jessi sa mga tumangkilik sa kanyang unang show sa Pilipinas.
Aniya, ang fans ang nag-uudyok sa kanya para ipagpatuloy ang kanyang musika.
"Despite my health problems and all the extreme challenges I've faced.. my fans are the driving force to keep me pushing forward… I may have cried and fallen several times, but it was MY FANS that helped me get back up… Thank you for your love and energy Jebbies. I will NEVER forget this moment. Thank you for this experience MANILA #ZOOMINMANILA," sabi ni Jessi.
Samantala, ang aktor na si John Prats ang director ng matagumpay na concert ni Jessi sa bansa.
Pag-amin niya, ito ang kauna-unahang solo concert ng foreigner musician kaya memorable ito para sa kanya. Ito rin ang unang beses niyang nagdirehe ng isang K-pop concert.
Tatlong buwan na lang bago matapos ang 2022 pero may ilan pang mga international artist na nakatakdang mag-concert sa bansa.
KILALANIN SILA SA GALLERY NA ITO: