
Hindi pinalagpas ng actor-director na si John Prats ang Siargao wedding ng kanyang best friend na si Angelica Panganiban kahapon, April 20.
Dating magkasama sina John at Angelica sa comedy show na Banana Sundae.
Sa Instagram post ni John matapos ang kasal, ipinagmamalaki nito na naging ring bearer siya sa pag-iisang dibdib nina Mr. and Mrs. Homan.
Sabi ni John, “To my Pets! Sobrang saya naming lahat para sa inyo ni @gregg_homan. Sobrang saya din ng mga puso namin na makita ang mga ngiti nyo! Mabuhay ang bagong kasal! It was an honor na naging ring bearer nyo ako. Love you @iamangelicap and @gregg_homan”
Unang ikinasal sina Angelica at businessman na si Gregg sa Los Angeles, California noong December 2023. Isinalang naman ng Kapamilya actress ang baby girl nila na si Amila Sabine noong September 20, 2022.