
Tuwang tuwa ang The Clash 2023 grand winner na si John Rex na nakapag-guest siya sa high-rating noontime show na It's Showtime.
Noong sumali si John Rex sa The Clash, gamit niya ang screen name na Rex Baculfo. Sa mga hindi nakakaalam, dati rin nag-compete ang Sparkle singer sa singing competition ng show na "Tawag Ng Tanghalan."
Post ni John matapos ang guesting niya, “Madlang Kapuso! Thank you so much @itsshowtimena for having me! Sobrang saya ng experience and sana po magkita kita tayo ulit!
“Also I would like to thank @gmanetwork and @sparklegmaartistcenter for making this possible!”
Napapanood si John Rex sa All-Out Sundays at contract artist din siya ng GMA Music.
Balikan ang ilan sa trending scenes sa pinag-usapan na first episode ng It's Showtime sa GMA-7 sa gallery sa ibaba.