GMA Logo John Vic De Guzman
What's on TV

John Vic De Guzman flexes his role in 'Abot-Kamay Na Pangarap'

By EJ Chua
Published March 26, 2024 6:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Most parts of PH to see cloudy skies, rain due to 3 weather systems
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

John Vic De Guzman


Tanong ng 'Abot-Kamay Na Pangarap' actor na si John Vic De Guzman sa netizens: "Kung ako ang magiging doctor mo, ano ang ipapagamot mo?"

Kasalukuyang napapanood ang Kapuso heartthrob na si John Vic De Guzman sa hit afternoon series na Abot-Kamay Na Pangarap.

Ginagampanan ni John Vic sa serye ang karakter ni Doc Ken Prado, isa sa mahuhusay na doktor sa APEX Medical Hospital.

Kamakailan lang, nag-post ang Sparkle actor sa Instagram tungkol sa kanyang role.

Ilang larawan niya bilang si Doc Ken ang ibinahagi sa kanyang Instagram followers.

TRIVIA: Things You Didn't Know about Kapuso hotlete John Vic De Guzman

Kakabit ng mga larawan ay ang kanyang katanungan na, "Kung ako ang magiging doctor mo, ano ang ipapagamot mo?"

Sa comments section ng kanyang post, mababasa ang ilang sagot ng netizens at kanyang followers.

Hindi rin nagpahuli sa pagsagot ang co-stars ni John Vic sa serye na sina Che Cosio at Wilma Doesnt.

Sagot ni Che, “Asawa kong gusto mag-motor Doc!”

Komento naman ni Wilma, “Doc masakit po ang katawan ko… Pwede pong magpa-check kung ilang cm na ako!”

A post shared by John Vic Ortiz De Guzman (@johnvicdeguzman)

Napapanood si Che sa Abot-Kamay Na Pangarap bilang si Dra. Katie, habang si Wilma naman ay kilala rito bilang si Josa.

Samantala, bago maging aktor, isang sikat na atleta si John Vic.