
Pinuri ng netizens ang performance ng Sparkle artist na si John Vic De Guzman sa GMA Prime series na Sanggang-Dikit FR.
Ipinamalas ng Kapuso star ang kanyang acting skills bilang kontrabida sa action-packed series kung saang gumaganap siya bilang Regan Robles, ang pulis na espiya sa Station 12.
Parte si Robles ng isang sindikato na binuo ng mayor ng Calabari na si Glen, ginagampanan ni Juancho Triviño.
Sa episode ng Sanggang-Dikit FR noong Miyerkules, October 8, nabisto na ni Tonyo-- ginagampanan ni Dennis Trillo--ang sikreto ni Robles.
Habang naka-duty sa kanilang istasyon si Robles, nag-imbestiga sina Tonyo at Eric (Joross Gamboa) sa bahay ng una.
Nang nalaman ito ni Robles, pinilit niyang makaalis sa Station 12 pero pinigilan siya ng kanilang hepe na si Flores (Allen Dizon). Sa galit, hindi na nakontrol ni Regan ang kanyang emosyon at nagsagawa ng isang hostage sa kanilang istasyon.
Marami naman ang humanga sa mga makapigil-hiningang eksena ni John Vic sa Sanggang-Dikit FR.
Ayon sa netizens, epektibo ang pagiging kontrabida ng aktor. "Kuhang-kuha n'ya inis ko," sabi ng isang viewer ng serye sa YouTube channel ng GMA Network.
Komento pa ng isang fan, "Good job, Robles, dahil jan idol na kita."
Kinongratulate pa ng isang tagasubaybay si John Vic dahil sa kanyang husay sa kanyang eksena. Ika niya, "Magaling sila lahat. Si Robles nasubukan ang galing sa pag-arte. Congrats."
Bago naging artista, volleyball varsity player ng College of St. Benilde si John Vic. Hinirang siyang Most Valuable Player ng 92nd season ng National Collegiate Athletic Association (NCAA).
Naging parte rin siya Philippine men's national volleyball team sa 2019 Southeast Asian Games kung saan nagwagi ng silver ang bansa.
KILALANIN PA ANG ATHLETE-ACTOR SA GALLERY NA ITO.