
Bagong Kapuso heartthrob ang captain ng Philippine men's national volleyball team na si John Vic de Guzman. Pumirma si John Vic ng co-management contract sa GMA Artist Center ngayong Setyembre.
Kahit na may kontrata, nilinaw ni John Vic na tuluy-tuloy pa rin ang kanyang paglalaro ng volleyball. Bukod sa national team, naglalaro rin si John Vic bilang opposite hitter ng PLDT men's team na kabilang sa Spiker's Turf na isang commercial league sa Pilipinas.
“Siyempre part pa rin po ng national team,” paglilinaw ni John Vic nang makausap ni Lhar Santiago sa 24 Oras.
“Ang paglalaro ng volleyball at tsaka sa sports, hindi po sobrang haba na hanggang tumanda ka.
“Dadating 'yung point na hindi ka na malakas, hindi ka na kasing galing nung mga bata.
“And sa acting, gusto kong i-grab 'tong opportunity nito dahil sa future.”
Si John Vic ang team captain ng Philippine men's national volleyball team sa 2019 Manila SEA Games kung saan naiuwi nila ang silver medal. / Source: johnvicdeguzman (IG)
Samantala, nailabas na ang self-titled debut single ng girl group na XOXO na kinabibilangan ng The Clash alumni na sina Lyra, Riel, Mel, at Dani.
Bago mag-pandemic ay sinimulan na nila i-record ang kanilang kanta ngunit natigil ito dahil sa lockdown. Upang matuloy ang proyekto, kanya-kanyang record sa ginawa nila sa kanilang mga bahay.
Ayon kay Dani, malaking hamon sa kanila na hindi sila sama-sama sa studio habang nire-record ang kanta.
Aniya, “Napaka-challenging po talaga kasi kanya-kanya po kami ng record sa bahay namin.”
“Kanya-kanya kami ng record sa audio, ng video, para lang po mabuo siya into one cover.”
Kilalanin ang members ng newest girl group na XOXO na sina Lyra, Mel, Riel, at Dani. / Source: gmamusicofficial (IG)