GMA Logo John Vic De Guzman coffee shop in Tanauan Batangas
What's Hot

John Vic De Guzman, masayang pinapalago ang kanyang coffee shop sa Batangas

By Gabby Reyes Libarios
Published November 23, 2023 6:51 PM PHT
Updated November 23, 2023 8:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 16, 2025
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas

Article Inside Page


Showbiz News

John Vic De Guzman coffee shop in Tanauan Batangas


Welcome to Kape_'gueño, ang cafe na tubong Tanauan, Batangas na dinarayo ng coffee lovers.

Proud ang Sparkle actor and professional volleyball player na si John Vic De Guzman na maging parte ng Kape_'gueño, isang maaliwalas na coffee shop sa Tanauan, Batangas na may modern industrial ang vibes.




Ito ang first business venture John Vic, kaya naman excited din ang Abot-Kamay Na Pangarap actor na ipamalas ang kanyang galing sa pagma-marketing ng naturang establisyimento. Dala-dala rin niya ang kanyang mga natutunan sa kolehiyo nong mag-aral siya ng Human Resource Management sa De Le Salle-College of Saint Benilde.

"Well ever since I've always wanted to do business. Siyempre we are not getting any younger and siyempre para sa future," sagot ni John Vic De Guzman sa kanyang panayam sa GMANetwork.com.

Para sa mga hindi pa nakakaalam, si John Vic ay isa sa partners ng Kape_'gueño kasama ang kanyang mga kaibigang businessmen na sina Jake Maderazo at Aivan Ferreria.

Taong 2021 pa sinimulan ang Kape_'gueño, pero naisipan lang ng mga may-ari na palakihin ang business ngayong taon.

"Actually 2021 pa when Kuya Jake started this business, but medyo maliit lang siya dito sa Tanauan, Batangas kung saan sila nakatira. Then naging partners kami to expand the place and the business as well."

Naisip ni John Vic na pumasok sa coffee shop business dahil alam niya na may "demand" para sa mga coffee shop na maayos, maaliwalas, at friendly sa mga gustong tumambay, kumain, o magpalipas ng oras.

"Dahil ito yung halos araw-araw na gusto ng mga tao, mga employees, students and mataas demand niya," dagdag ni John Vic.

Full support ang pamilya, kaanak, at kaibigan nina Aivan Ferreria, Jake Maderazo at John Vic De Guzman nang mag-grand opening ang Kape_'gueño noong Oktubre.

Bukod sa pagpro-promote ng coffee shop gamit ang kanyang social media reach at influence, handa rin si John Vic na tumulong at pag-aralan ang ibang aspeto ng business. Ready rin siyang humarap at magsilbi mismo sa mga bibisitang customers.

"First ever goal ko is to be the marketing of Kape_'gueño, but siyempre, kung anong maitutulong namin sa shop lalo na pag nandoon kami to serve the customers, we do all the stuff."

Anu-ano ba dapat ang orderin ng mga nais bumisita, lalo ng first-timers, sa Kape_'gueño?

Sagot ni John Vic, "We offer genuine espresso, cakes and pastries. Most of our sauce and syrup are all natural and made with our own recipe kaya hindi kasing lasa ng coffee ng ibang coffee shops na gumagamit ng branded na syrup. Bestsellers namin ang Salted Spanish Latte, Iced Vanilla Barako at Caramel Macchiato."

Bukod sa hot coffee, may cold beverages din na ino-offer ang Kape_'gueño.

Related content: Things you didn't know about Kapuso hotlete John Vic De Guzman: