
Ikinagulat ng athlete and Kapuso hunk na si John Vic De Guzman nang mapili niya sa "Love Under Cover" ng TiktoClock ay kamukha ni Faith Da Silva.
Bago simulan ang segment na "Love Under Cover" ay sinabi ni John Vic na ang hinahanap niya sa kaniyang makaka-date ay mahilig sa sports.
PHOTO SOURCE: TiktoClock
Ani John Vic, "Hindi naman kailangan na sporty talaga specifically, pero since athlete ako before, dagdag points 'yun for me.
Nagbigay rin si John Vic ng payo sa mga Covered Girls na sumali.
"Maging totoo kayo kasi kung kayo 'yung makakasama ko gusto ko simula pa lang totoo na kayo."
Sa huli ay nagwagi sa puso ni John Vic si Covered Girl number one na si Catherine Tan. Pagkatanggal ng blindfold ni John Vic ay agad niyang inilarawan na kamukha ni Catherine ang TiktoClock host at Encantadia Chronicles: Sang'gre star na si Faith.
Balikan ang mga naganap sa "Love Under Cover" dito:
Sa mga nais na maka-date ang inyong mga celebrity crush tulad ni John Vic, sali na sa "Love Under Cover" sa TiktoClock.
Panoorin ito para sa kabuuang detalye.
Patuloy na subaybayan ang TiktoClock para sa kilig, happy time, at bigayan ng blessings, Lunes hanggang Biyernes 11:00 am sa GMA.