GMA Logo John Vic De Guzman
Celebrity Life

John Vic De Guzman, nakipag-puyatan din ba para sa 11.11 sale?

By Aedrianne Acar
Published November 11, 2020 1:02 PM PHT
Updated November 11, 2020 2:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: San Miguel secures top spot with win vs Meralco; Oftana powers TNT past Blackwater
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

John Vic De Guzman


John Vic De Guzman on buying things: “Unang-una medyo mahirap ang buhay ngayong pandemic…”

Napuno ng kilig ang Zoomustahan event ng GMA Social Media Team ngayong Miyerkules ng umaga, dahil nakasama ng mga miyembro ng Kapuso Brigade ang pinakabagong Kapuso at certified “hothlete” na si John Vic De Guzman.

Kapuso Brigade zoomustahan with John Vic De Guzman

Matatandaan na opisyal na winelcome ang volleyball heartthrob sa Kapuso Network noong September, matapos siya pumirma ng kontrata with GMA Artist Center.

Sa Q&A portion ng zoomustahan with John Vic, sinabi nito sa panayam sa GMA Network.com na nakakataba ng puso ang mainit na pagtanggap ng mga Kapuso sa kanya.

Sambit niya, “Nag-aalab, kumbaga napaka-init po ng pagtanggap sa akin ng GMA and sobrang masaya ako, dahil kahit paano nakaka-ikot na ako sa mga programs ng GMA and malaking bagay 'yun sa akin para alam mo 'yun mas maging comfortable sa Kapuso family and siyempre 'yung experience.”

Photo taken from John Vic De Guzman's Instagram account

Naging busy din ang Kapuso actor sa ilang guestings sa mga show ng GMA-7 at nagkuwento din siya sa experience niya na mag-taping under the new normal.

Aminado si John Vic na medyo uncomfortable nang sumailalim siya sa swab testing for the first time.

“Doon sa testing po medyo masakit po. Actually second time ko na nag-swab, 'yung first time ko na medyo nagulat ako kasi hindi ko ineexpect na ganoon pala but for safety purposes naman 'yung swab test.” saad ng volleyball hunk.

Dagdag niya, “And so far, 'yung mga na-tape ko 'yung sa Wish Ko Lang, kakaibang experience pero yet sobrang happy, dahil 'yung mga nakatrabaho ko sobrang ang saya lang po nilang kasama.”

Inusisa din ng GMA Network.com kung isa din ba ang Kapuso hotlete sa mga libo-libong nakipag-puyatan sa 11.11 sale.

Maraming e-commerce platform ang may kanya-kanyang pakulo.

Sinabi ni John Vic na mas pinili niya maging practical ngayon, habang nasa gitna pa tayo ng isang pandemic.

Paliwanag niya, “Ngayon po kasi talaga magiging practical ako, dahil unang-una medyo mahirap ang buhay ngayong pandemic kaya natutuwa din po ako sa ibang friends ko na nagsho-shopping sila online. Well, happiness naman po nila 'yun at saka pinaghirapan.

“But for me kasi practical lang po muna kasi dahil unang-una 'yung volleyball side nawala sa amin, siyempre mga volleyball players like me doon kami kumukuha ng salary. Mas unahin muna po 'yung gastusin kasi sa susunod naman po mabibili rin po natin.”

Related content:

Volleyball superstar John Vic De Guzman officially joins GMA Artist Center

IN PHOTOS: Meet the newest Kapuso hottie John Vic De Guzman

Recovery 101: Things to remember to help you recover faster after a sports-related injury