
Ibinahagi ni John Vic De Guzman ang kanyang ginawang paraan para i-celebrate ang espesyal na Araw ng mga Tatay.
Kuwento ng actor-model-national athlete, naalala niya ang mga panahong naghihintay lamang siya ng importanteng okasyon para magkaroon ng bagong damit.
"Naalala ko lang po nung high school ako, inaantay ko po talaga magkaroon ng important occasion - Pasko o birthday para baka sakaling maka lambing ako po kay Mama ng bagong damit. Minsan hindi pa rin nangyayari kasi syempre po mayroon mas importante kailangan pagkagastusan, lalo na po at mag-isa si Mama na nagpapalaki po sa amin magkakapatid."
Pagpapatuloy ni John, sobrang special kapag nakakatanggap siya ng mga bagong damit.
"Alam ko po 'yung saya sa pakiramdam na may magbigay sa 'yo ng bagong damit kasi minsan po it comes secondary na lang sa priority kasi may ibang kailangan bilhin kahit na gustong-gusto mo talaga."
Bilang endorser ng lifestyle brand na Bench, nakaramdam umano siya ng saya dahil makakakuha na siya ng mga bagong damit dito. Pero bago ang kanyang sarili, naisip niyang ibahagi muna ang kanyang blessings.
"When I arrived in Manila after being stranded in Isabela for 3 months, I've got the chance to finally pull out stuff from the store. Pero sinabi ko po talaga sa sarili ko yung unang batch na makukuha ko I wanted it to share to those na hindi po magawang unahin yung pagbili ng bagong damit kasi gusto nila magtrabaho muna para sa pamilya nila."
Pinili umano niya ang mga tatay na unang pinupunan ang pangangailangan ng mga anak.