What's on TV

John Vic De Guzman, piniling tumulong kahit stranded sa Isabela noong ECQ

By Aedrianne Acar
Published September 7, 2020 3:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

John Vic De Guzman and Ricci Rivero


Naging abala ang athlete-turned-actor na si John Vic De Guzman sa pagtulong sa mga mamamayan ng Isabela noong enhanced community quarantine (ECQ) kasama ang pamilya ni Ricci Rivero.

Mas minabuti ng volleyball star na si John Vic De Guzman na gawing makabuluhan ang pagkaka-stranded niya sa probinsya ng Isabela nang isailalim ang bansa sa enhanced community quarantine (ECQ) noong Marso.

Nanatili sa Isabela si John Vic De Guzman noong enhanced community quarantine kasama ang Rivero family

From John Vic De Guzman's Instagram account

Umabot ng tatlong buwan ang pananatili ni John Vic sa probinsya, kung saan pansamantala siyang tumira sa bahay ng pamilya ng UP Fighting Maroons star guard na si Ricci Rivero.

Sa panayam ng actor-model sa GMANetwork.com, ibinahagi niya ang ilan sa realizations niya at natutunan habang kasama ang Rivero family noong lockdown.

Wika niya, “Noong March, noong nag-lockdown supposed to be mag-uuwian, e, then 'yung Rivero family sinama nila ako sa Isabela.

“Doon kami inabutan ng lockdown, so nag-stay ako doon for three months. And [ang] daming realizations and sobrang thankful ako sa Rivero family, dahil talagang inalagaan nila ako, talagang tinuring ako na parang anak din and kapatid.”

Matapos ang mga nangyari, sinabi ni John Vic na mas na-appreciate niya ang kanyang trabaho, kahit nakakapagod ito minsan.

Paliwanag niya, “Ngayon mo lang ma-appreciate 'yung mga bagay na hindi mo na-appreciate before. Let say 'yung work, kahit na nakakapagod 'yung work before, 'yung practices.

“Totoo naman na parang darating sa point na pagod na 'yung katawan mo, 'yung isip mo. Nai-istress ka sa mga ginagawa mo sa work, pero ngayon dito mo lang ma-appreciate kung gaano ka-importante noong isang bagay sa iyo.”

#RiveroBrothers distributed this @officialrr25 PPE's to some of the Hospitals here in Isabela... Isabela United Doctors Medical Center (Cauayan City), Southern Isabela Medical Center (Santiago City) and Cagayan Valley Medical Center (Tuguegarao City) • Thank God for blessing our family to be a blessing to others. All honor and glory to God alone🙏🏼 • @jersey_haven (license and certified manufacturer) official maker of #RR25 PPE #StaySafe #VirtualPlaygroundFamily #VPRepresent #IWearRR25 - 📸 @ricciiirivero

A post shared by ATHLETES Den❄️ (@ruzcko_rivero) on

Naging productive din ang pagtira ni John Vic kasama ang Rivero family, dahil sumasama siya sa mga projects ng mga ito tulad ng pagbibigay ng personal protective equipment sa mga ospital sa Isabela.

Ayon sa Kapuso star, maganda na magkapag-give back sa mga taong nangangailangan ngayong may pandemya.

“Noong time na 'yun siyempre nagho-home workout kami, nagvo-volleyball kami, naglalaro kami. Naisip namin na sa dami-daming taong nawalan ng trabaho, sa dami-daming taong hirap-hirap nitong pandemic, may mga blessings naman kami na natatanggap, so bakit hindi kami tumulong.

"So, ayun dahil sa Rivero family nagkaroon kami ng chance na magbigay ng tulong sa itong mga nangangailangan sa Isabela and hopefully dito sa Manila, if ever nagpaplano din kami na magbigay din ng tulong.”

Volleyball superstar John Vic De Guzman officially joins GMA Artist Center

IN PHOTOS: Meet the newest Kapuso hottie John Vic De Guzman