GMA Logo QUIZMOSA in Tiktoclock
What's on TV

Join na sa 'QUIZMOSA', ang pinakabagong Showbiz Quiz Segment ng 'TiktoClock'!

By Maine Aquino
Published October 16, 2024 12:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 17, 2025
GMA Network transitions to cloud-based IP distribution via partnership with Synamedia and Telered Technologies and Services Corp.
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo

Article Inside Page


Showbiz News

QUIZMOSA in Tiktoclock


Lahat ng mga mahilig sa chika, mag-ingay! Magsisimula na ang "Quizmosa" sa 'TiktoClock' sa October 16.

May bago tayong aabangan bago mananghalian! Join na sa “QUIZMOSA” - ang pinakabagong Showbiz Quiz Segment ng TiktoClock!

Lahat ng mga mahilig sa chika, mag-ingay! Mga bida-bida sa kwentuhan - it's your time to shine! Simula sa Miyerkules, October 16, mag-uumpisa na ang pinakabago at inaabangang showbiz quiz game segment ng TiktoClock, ang QUIZMOSA!

Yes, mga Tiktropang Maritess, totoo ang balita - may pera sa pagiging Quizmosa!

Kung ikaw ay isang showbiz fan, updated sa mga latest chika tungol sa inyong mga idolo at iba pang trending personalities, at isang CERTIFIED QUIZMOSA - ito na ang pagkakataon mong gamitin ang iyong “chika skills” para manalo ng hanggang Php 10,000.

Sa pagbubukas ng Quizmosa sa TiktoClock, hindi magpapahuli sa quizmisan ang Kapuso Hunk at “Anti-Selos Professor” na si JAK ROBERTO! Baon ang kanyang “juicy chismis”, makikipagkulitan siya sa 'ting tatlong QUIZMOSA players.

Sa Round 1, sasabak agad ang mga Quizmosa sa masayang hulaan. Magkakaalaman kung “KANFEERMED” o “FAKE NEWS” ang kanilang mga hulang sagot. Ang may pinakaraming “ma-kanfeerm” ang pasok sa Jackpot Round!

Sa Jackpot Round, “Paspasang Chismisan”, mas iinit pa ang chikahan at pwedeng mag-overheat ang mga Quizmosa - dahil kailangan n'yang bilisan ang panghuhula ng tamang sagot. Ang bawat tamang sagot ay may katumbas na premyo, at pwede s'yang manalo ng hanggang Php 10,000.00!

Makakasama at makakachikahan ng ating celebrity guest sa “Quizmosa” ang kuwelang hosts ng TiktoClock at certified chikadora na sina Faith Da Silva at Jayson Gainza.

Sa “Quizmosa,” naka-chismis ka na, may cash prize ka pa. Kaya huwag magpahuli, abangan ang pagbubukas ng QUIZMOSA, October 16 sa TiktoClock!

Tuloy-tuloy lang din ang happy time sa iba pang exciting segments ng TiktoClock tulad ng "Hale-Hale Hoy," "Tanghalan ng Kampeon," "Dobol o Budol," at "'Sang Tanong, 'Sang Sabog."

Samahan sina Pokwang, Kuya Kim Atienza, Faith Da Silva, Jayson Gainza, at Herlene Budol sa paboritong tambayan bago mananghalian. Tutukan ang lahat ng ito sa TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes, 11:00 a.m. sa GMA at GTV.