Article Inside Page
Showbiz News
“Totoo po ang inyong mga haka-haka. Ako po ay two months and five days nang buntis,” wika ng Kapuso actress-singer sa interview niya sa
Startalk TX noong July 20. Kasama din niya sa nasabing interview ang kanyang asawang si Mark Escueta.

“Totoo po ang inyong mga haka-haka. Ako po ay two months and five days nang buntis,” wika ng Kapuso actress-singer sa interview niya sa
Startalk TX noong July 20. Kasama din niya sa nasabing interview ang kanyang asawang si Mark Escueta.
Ibang klaseng kasiyahan ang nadarama ng mag-asawa sa magandang balitang magkakaroon na ng bagong miyembro ang kanilang pamilya. Ayon kay Jolina, “Sobra kaming thankful na natuloy ito at saka this is it na talaga!”
Naikuwento naman ni Mark kung papaano nila nakumpirma na nagdadalang-tao nga ang kanyang misis. “Nakakatuwa, kasi ‘nung finally, nag-pregnancy test kami para ma-confirm, tapos na ‘yung Father’s Day ‘nun eh. A few days before Father’s Day, na-delay na siya, pero sabi ni Doktora, maghintay kami ng one week bago mag test,” pagbabahagi ng sikat na drummer.
“Kaso nga, ‘nung night din na iyon, first time siyang nagka-spotting, so sabi ni Doktora, sige, mag-pregnancy test na kayo. Nagtest nga kami tapos positive nga ang lumabas,” pagpapaliwanag ni Mark.
“Tapos ang sabi niya lang,
'Sabi ko na sa’yo, Happy Father’s Day sa akin ngayon, eh,'” natatawang pagkukuwento ni Jolina.
Kumusta naman kaya ang pagbubuntis ni Jolina? Ayon sa kanya, “Siyempre, ‘yung two months and five days, nandun pa rin ‘yun sa first trimester eh, kaya hindi ko pa rin maiwasan na hindi kabahan paminsan-minsan, and medyo maselan ang nangyayari sa akin, kaya nag-iingat ako talaga.”
Nabanggit din ng OB-Gyne ni Jolina na si Dr. Madeline De Vera-Florendo na hindi na nag-spotting ang kanyang pasyente, ngunit pinayuhan pa rin niya itong ipagpatuloy ang bed rest at pag-inom ng gamot. Naka-schedule din for ultrasound si Jolina next week.
Samantala, wala pa raw pinaglilihian si Jolina, pero willing na willing si Mark na maging “runner” sa kung ano ang gusto ng asawa.
Nabanggit din ni Jolina na “… ‘yung pagiging mommy, hindi ko pa masyadong nararamdaman pero gusto kong namnamin.” Gusto daw ni Jolina na maging lalaki ang kanilang anak, habang babae naman ang gusto ni Mark.
Nagbigay naman ng mensahe si Jolina sa kanyang mga tagahanga. Aniya, “Sa mga fans na nagtatanong na sobrang hindi ko pa masagot, heto na, totoo na talaga, and sa atin ito. Kumbaga, kailangang kailangan talaga namin ‘yung prayers ninyo dahil maselan, medyo maselan talaga itong pregnancy na ito. Pero dahil sa pagmamahal niyo at sa prayers ninyo, alam kong malalagpasan natin ito.”
-Text by Samantha Portillo, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com