
Isang sweet na mensahe ang hatid ni actress and host Jolina Magdangal para sa kanyang panganay na anak na si Pele.
Ipinagdiwang kasi niya ang kanyang 12th birthday nitong February 18.
Sa Instagram account ni Jolina, nag-post siya ng dalawang pictures kasama si Pele.
Ang una ay recent picture nila kasama ang asawang si Rivermaya drummer Mark Escueta. Ang pangalwa naman ay throwback noong sanggol pa ito at karga ni Jolina.
Image Source: mariajolina_ig (Instagram)
"Happy happy birthday to my firstborn!
"Pele, ikaw ang unang nagparamdam samin ni Papa kung ano ang tunay na kahulugan ng isang pamilya," sulat ni Jolina sa caption ng kayang post.
Hindi rin niya napiglang ikumpara ang sarili sa anak noong nasa parehong edad sila.
"Binigyan ako ng Panginoon ng mabait at mapagmahal na panganay. At dahil dun, naging sagot ka sa tanong ko sa Panginoon kung naging mabuting anak ba ako sa parents ko…," paggunita ng aktres.
Naging emosyonal din si Jolina sa paglaki ng kanyang anak.
"We love and appreciate you so much everyday.
"Ps… iyak na ako!!!! (Meow meow meow - to the tune of 'what was i made for')," pagtatapos ng kanyang post.
Ikinasal sina Jolina at Mark noong 2011.
Bukod kay Pele, nabiyayaan pa ng isang anak sina Jolina at Mark--si Vika na ipinanganak noong 2018.