Article Inside Page
Showbiz News
Handa na ang mag-asawang Jolina at Mark sa pagdating ng kanilang unang baby next month. Bukod sa pagkuha ng parenting tips mula sa textbooks, online research at mga kaibigan, inihanda na rin nila ang iba pang pangangailangan ng kanilang magiging anak.

Marami na ang nasasabik sa pagdating ng unang anak ng mag-asawang Jolina Magdangal-Escueta at Mark Escueta.
Pagkatapos ng Christmas at New Year, magiging busy ang mag-asawa sa nalalapit nilang baby shower. February ang expected arrival ng kanilang baby.
Ayon kay Jolina, matagal na nilang inaaral ang pag-aalaga ng baby. Nagpapakwento siya sa kanyang mommy at sa mommy ni Mark ng mga dapat nilang gawin kapag lumabas na ang bata at nakakakuha rin sila ng mga parenting advice mula kanilang mga kaibigan na may mga anak na.
Bukod dito, si Mark ay nagbabasa ng mga libro at nagri-research sa Internet upang makakuha ng iba pang tips. Ayon sa kanya, malaking tulong ang kanyang mga ka-banda [Rivermaya]. Kwento niya, “May dalawang ka-banda ko na daddy na rin so hayun may mga advice rin.”
Hindi lang paglabas ng baby ang kanilang pinaghahandaan. Sinimulan na rin nina Jolina at Mark ang pag-secure ng future ng kanilang anak.
Kuwento ni Jolina, “Meron na kaming na-invest na pang-tuition [laughs]! After three years, kikita na siya ng pang-tuition ‘di ba ganun ka-advance may tuition na agad? Kasi ang iniisip talaga naman ay ‘yung future niya [ng baby] e.”
Pagkatapos manganak, gusto ni Jolina na tumutok muna sa pag-aalaga ng kanyang anak.
“Gusto ko talaga(ng) mapa-breastfeed siya e. ‘Yun talaga ‘yung ini-aim ko e. Pwede siguro after 3 months or 4 months na talagang tututukan siya. At least, mababa na yung 6 months na puro breastfeeding. Pero hangga’t puwede pa na lumagpas ng isang taon, kahit may work pa ako, go pa din,” masayang pagbabahagi ni Jolina.
Kapag nakapag-adjust na si Jolina at ang kanilang baby, babalik siyang muli sa pagtatrabaho.
Saad niya, “Definitely magkaka-work ‘yan, and ‘yung sa Rivermaya tuloy lang din. Pero siyempre, mas pili na ang mga gusto [na projects], at ‘yung schedule.” Dagdag naman ni Mark, “Sana ‘yung album naman niya [ni Jolina] magawa rin namin this year.”
Panoorin si Jolina tuwing Linggo sa
Sunday All Stars. Abangan ang mga balita tungkol sa kanya at sa iba pang Kapuso stars sa www.GMANetwork.com.
-Text by Maine Aquino, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com