
Nakakakilig ang ginawang pag-amin ng actor/politician na si Jolo Revilla sa tanong ng isang netizen patungkol sa ex-girlfriend niya na si Jodi Sta. Maria.
TRIVIA: 43 biggest celebrity breakups na kinagulat ng Pinoy
Diretsahan kasi na sinagot ng Cavite vice governor kung mahal pa rin ba niya ang Kapamilya actress sa post niya sa Instagram Stories.
Dinaan naman sa tawa ni Jolo ang sumunod na tanong ng isang netizen kung may namamagitan sa kanila ng Kapuso primetime star na si Rhian Ramos.
Makakasama niya ang mestiza beauty sa action movie na 72 Hours.