
Ikinasal na ang celebrity couple na sina Jomari Yllana at Abby Viduya sa isang intimate wedding ceremony nitong Linggo, November 5, sa Las Vegas.
Sa isang Facebook post, ibinahagi ng dating aktres na si Abby ang ilan sa wedding photos nila ni Jomari na may caption na, “Viduya-Yllana Nuptial 11/5/23.”
Kamakailan lamang ay ipinagdiwan nina Jomari at Abby ang kanilang fourth anniversary simula nang sila ay magkabalikan.
RELATED GALLERY: Jomari Yllana and Abby Viduya prove that love is indeed sweeter the second time around
Sa Fast Talk with Boy Abunda noong Agosto, inamin nina Jomari at Abby sa TV host na si Boy Abunda na first boyfriend at girlfriend nila ang isa't isa. Pero nang magkahiwalay ay nagkaroon din silang ibang mga karelasyon.
Sa kanilang pagbabalikan, sinigurado ng dalawa na hindi na sila muling maghihiwalay.
Mensahe ni Jomari kay Abby, “Ang pangako ko sa'yo hanggang sa huling hininga mo ako ay iyong kasama. I am your first and I am definitely your last.”
Matatandaan na naging emosyonal noon si Abby dahil sa naging mensahe sa kanya ni Jomari. Sagot niya rito, “I promise to always love you for the rest of my life and I promise to always guard your heart and always be behind your back. I got your back baby.”
Para sa iba pang showbiz balita, bisitahin ang GMANetwork.com.