GMA Logo Jon Gutierrez  and jelai andres
Photo by: jelaiandresofficial (IG)
What's Hot

Jon Gutierrez a.k.a. King Badger, hinarap ang mga kasong isinampa laban sa kanya ng estranged wife niyang si Jelai Andres

Published March 16, 2022 6:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBI searches Cabral's Baguio hotel room
Sarah Discaya, 8 others detained at jail in Mactan, Lapu-Lapu City
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

Jon Gutierrez  and jelai andres


Umakyat na sa korte ang mga reklamong concubinage at violence against women and children (VAWC) ni Jelai Andres laban sa kanyang estranged husband na si Jon Gutierrez.

Hinarap ng rapper-vlogger na si Jon Gutierrez, o mas kilala bilang si King Badger, ang kaliwat-kanang kasong isinampa ng kanyang dating asawa na si Jelai Andres.

Ayon sa isang press release na natanggap ng GMANetwork.com, sumuko si Jon sa QC Regional Trial Court para harapin ang mga kasong inihain ni Jelai. Agad din siyang nagpiyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Bukod sa mga kasong ito, kasalukuyan ding nasa proseso ang annulment ng kasal ng dalawa.

Matatandaang idinemanda ni Jelai si Jon noong nakaraang taon dahil sa diumano'y pakikiapid niya kay Juliennes Vitug a.k.a. Yumi Garcia, na noon ay isang menor de edad.

Ang sabi ni Jelai noong nakaraang taon sa kanyang interbyu matapos maghain ng reklamong concubinage laban kina Jon at Yumi, "Ang kasal ay isang sakramento, 'wag nating gawing normal ang pakikiapid. Nawa'y maging isang leksyon ito sa mga may mister na pasaway at sa mga babaeng walang pakundangan makipag-relasyon sa mga lalaking alam naman nilang may asawa at mas matatapang pa sa tunay na asawa."

Ayon naman sa abugado ni Jelai na si Atty Faye Singson, matindi ang naging epekto ng ginawa ni King Badger sa dati niyang asawang si Jelai.

“Nararapat lamang lang na makamit ni Jelai ang hustisya't katarungan, sapagkat hindi naging madali ang pinagdaanan niya. Tunay ngang siya ay nahirapan at matinding trauma ang naranasan niya dahil sa sakit na dulot ng pagtataksil ni King Badger at Yumi."

Samantala, bukas ang GMANetwork.com sa anumang nais ipahayag ni Jon tungkol sa isyung ito.

Noong 2015 nang maging opisyal na magkasintahan sina Jelai at Jon. Ikinasal sila noong October 2018 sa Fernwood Gardens, Tagaytay City.

Nang sumunod na taon, unang nagpahiwatig si Jelai ng hindi nila pagkakaunawaan ni Jon, na nauwi sa hiwalayan. Ngunit noong 2020, tila nagkaayos ang mag-asawa. Sa katunayan, naging bahagi pa silang dalawa ng dalawang GMA Telebabad series, ang One of the Baes (2020) at Owe My Love (2020). Subalit sa ikalawang pagkakataon, muling nagpahiwatig si Jelai ng diumano'y panloloko ni Jon noong 2021.

Balikan ang naging relasyon nina Jelai at Jon sa gallery na ito: